^

Probinsiya

Mag-ama kinatay sa ‘away mag-asawa’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama kinatay sa âaway mag-asawaâ
Hindi na umabot nang buhay ang mga biktima na nakilalang sina Ronald De Lima, 23-anyos at amang si Alfredo, kapwa residente ng nasabing lugar.
STAR / File

8-anyos nadamay, sugatan

CAVITE, Philippines — Patay ang mag-ama makaraang pagsasaksakin ng dalawang itinuturing na “kapamilya” ng dahil lamang sa away mag-asawa na ikinadamay ng isang paslit kamakalawa ng hapon sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor City.

Hindi na umabot nang buhay ang mga biktima na nakilalang sina Ronald De Lima, 23-anyos at amang si Alfredo, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sugatan naman ang isang 8-taong gulang na batang lalaki na si Daryl James, estudyante, residente din ng nasabing barangay .

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na nakilala lamang sa mga alias na Harry at Tuyo, bayaw ng biktima ng nakababatang De Lima.

Sa panayam ng PSN kay Police Master Sergeant Roberto Lacasa, may hawak ng kaso, dakong alas -3:30 ng hapon nang maganap ang insidente matapos abangan  umano si Ronald ng kanyang dalawang bayaw na mga kapatid ng misis nito, upang komprontahin. Subalit hindi pa man nakakapag-usap ay agad na siyang pinagtulungan ng mga suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Nasaksihan naman ng ama ng biktima na si Alfredo ang pananaksak ng mga suspek kung kaya sinubukan nitong umawat at saklolohan  ang anak. Gayunman, maging siya ay pinagtulungan ng dalawa na katayin.

Bago umano bumulagta ang biktima, may naihagis pa siyang isang bagay na biglang pumutok dahilan upang tumama sa naglalakad na batang si Daryl James.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang krimen matapos magsumbong sa kanyang dalawang kapatid ang misis ni Ronaldo hinggil sa diumano’y pananakit ng huli sa kanya.

BACOOR CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with