Doktora na misis ng ex-PNP general, nawawala
P.3 milyong pabuya, sa makakahanap
COTABATO CITY , Philippines — Wala pa ring malinaw na anggulo ang pulisya sa pagkawala mula pa noong Linggo ng isang kilalang babaeng doktor dito na misis ng isang dating heneral ng Philippine National Police (PNP) sa pinaniniwalaang isang kaso ng kidnapping ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Isang obstetrician-gynecologist ang nawawalang manggagamot na si Marivic Tello, na may mataas na katungkulan sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City.
Huling nakita si Dra. Tello na lumabas ng compound ng naturang medical center noong Linggo at hindi na nakauwi sa kanilang tahanan mula noon.
Ang nawawalang si Tello ay kabiyak ni retired Police Gen. Agustin Juan Tello, na naging provincial police director ng dating buo pang Maguindanao province na nahati na sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte nito lang nakalipas na 2020.
Nag-alok na ng P300,000 na reward o pabuya ang local government unit ng Cotabato City sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon at makakatulong na matagpuan ang nawawalang asawa ng dating heneral ng PNP.
- Latest