^

Probinsiya

30-toneladang ‘taklobo’ nasamsam sa Sulu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
30-toneladang ‘taklobo’ nasamsam sa Sulu
Ang nasa 30-toneladang giant clam shells o “taklobo” na nasa P45 milyon ang halaga matapos masamsam ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa isang tagong lugar sa Barangay Taglibi, Patikul, Sulu nitong Linggo.
(Photo courtesy: Sulu Maritime Police)

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng makasanib na puwersa ng mga pulis at mga kawani ng Bangsa­moro Agriculture and Fishe­ries ang nasa 30-toneladang giant clam shells o taklobo na aabot sa P45 milyon ang halaga sa isang operasyon sa Barangay Taglibi, Patikul, Sulu nitong Linggo.

Kinumpirma nitong Martes ni Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkakumpiska ng naturang clam shells, o taklobo, ng mga operatiba ng Sulu Maritime Police Station at mga opisyal sa probinsya ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources-Bangsamoro Autonomous Region sa isang operasyon na suportado ng mga local officials sa Patikul.

Sa ulat ng MAFAR-BARMM, hindi bababa sa 30 tonelada ang timbang ng naturang mga taklobo na mula sa mga karagatan ng Sulu at Tawi-Tawi.

Ayon kay Macapaz, inaalam na ng kanilang mga intelligence agents sa Sulu kung sino ang mga responsable sa pangunguha ng mga taklobong nakumpiska sa Barangay Taglibi na posibleng ibebenta sa isang mangangalakal sa mainland Mindanao.

Muling palalawigin ng MAFAR-BARMM, ng Sulu Maritime Police at ng Sulu Provincial Police Office ang kampanya laban sa pangu­nguha ng mga taklobo sa mga karagatan ng Sulu at Tawi-Tawi, ayon kay Macapaz.

TAKLOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with