^

Probinsiya

Higit 3,000 pasahero stranded kay ‘Egay’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Sa mga pantalan sa Kabikulan

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Umabot sa 3,104 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa buong Kabikulan matapos ipagbawal kahapon ng Philippine Coastguard ang paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat dahil sa bagyong “Egay”.

Sa datos ng Office of Civil Defense-Bicol regional office, sinabi ng tagapagsalita na si Gremil Naz na pinakamarami ang naitalang stranded ay sa Matnog Port sa Matnog, Sorsogon na umabot sa 1,807 katao; Pio Duran Port sa bayan ng Pio Duran, Albay na 553; Tabaco Port sa Tabaco City, 410; Pilar Port ng Pilar, Sorsogon na 253 stranded; Mintac Port ng Cataingan, Masbate na 62; lima sa Virac, Catanduanes; habang tig-2 ang Cawayan at Aroroy Port sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Naz, uma­bot din sa 477 na trucks ang stranded at 16 na barko dahil sa bagyo sa natu­rang rehiyon.

Sinabi naman sa report ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, ta­gapagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-7 ng umaga kahapon ay hindi na madaanan ang Bato Road sa bayan ng Bato, Catanduanes dahil sa pagkakaroon ng landslide.

Nagkaroon naman ng flashfloods sa Brgy. Mayngawayan sa ba­yan ng San Andres dahil sa malakas na ulan na sinabayan pa ng high tide.

Simula noong Sa­bado ay isinailalim na ng OCD-5 sa pangu­nguna ni Regional Director Yucot sa red alert status ang buong rehiyon at pinaghahanda ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na kasapi ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council na ihanda na ang kanilang response team at mga disaster response equipment pati na ayuda sa mga maaapektuhan ng bagyo.

EGAY

PHILIPPINE COASTGUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with