^

Probinsiya

Mas epektibo, patas: BARMM Govs nagsama para sa kapayapaan, pantay na batas

Pilipino Star Ngayon
Mas epektibo, patas: BARMM Govs nagsama para sa kapayapaan, pantay na batas
Nagsanib-puwersa kamakalawa ang limang gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao para itatag ang Bangsamoro Governors’ Caucus (BGC). Dumalo sa paglulunsad ng programa sina (mula kaliwa) Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu, Lanao Del Sur Governor Manintal “Bombit” Alonto Adiong Jr (tagapagsalita), Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” I. Sali at Sulu Governor Abdusakur Mahail Tan at Maluso, Basilan Mayor Hanie A. Bud bilang kinatawan ni Governor Jim Hataman (wala sa larawan)
Photo Release

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagtibay ng limang gobernador sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kahandaan nilang ibayong palakasin ang nagkakaisang pagsisikap nila na maitaguyod ang pamamayani ng batas, kapayapaan at kaayusan, kaunlaran  at inclusive governance sa BARMM.

Ito ang nabatid sa BARMM Governors Caucus (BGC) na opisyal na inilunsad sa lunsod na ito  bilang isang plataporma para itaguyod ang mga karaniwang isyu sa mga mamamayang sinasaklaw ng mga pamahalaang lokal sa BARMM at isangkot ang ibang may kinalaman dito sa dayalogo sa mga usaping ito.

Nilikha pagkaraan ng ilang mga serye ng konsultasyon ang BGC na binubuo ng mga gobernador ng mga lalawigan ng Lanae del Sur, Maguindanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

“Ganap na suportado ng BCG ang proseso ng kapayapaan at ang BARM at, sa pamamagitan ng BGC,isusulong ng mga gobernador ang pagtutulungan ng mga pambansa at pangrehiyong pamahalaan at ng grupong multisektoral, paggawa ng mga desisyong itinutulak ng mga datos para maitaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga nasasakupan namin,” pahayag ni Lanae del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr. na tumatayong tagapagsalita ng grupo.

Isiniwalat din ni Governor Adiong ang tatlong pangunahing larangan na natukoy na prayoridad ng Caucus: Rule of Law, Peace and Order at Inclusive Governance and Development.

Idiniin ni Governor Adiong ang kahalagahan ng pag-iistruktura at pagmamantini ng maayos na kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

“Pawang responsibilidad ito ng mga pambansa at pangrehiyong pamahalaan, local government units at ng mga law enforcement agencies. Para mapabuti ang koordinasyon ng law enforcement at matugunan ang mga problema sa seguridad, aktibong makikipag-ugnayan ang BGC sa mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas, mekanismo ng kapayapaan at iba pang kaukulang mga ahensiya,” diin ni Governor Adiong.

Dagdag pa rito, minomonitor at sinusuportahan ng BGC ang mabilis na pagbubuo sa decommissioning process at nagpahayag ito ng kahandaan na makipagtulungan sa mga ahensiya ng pambansa at pangrehiyong pamahalaan, decommissioning bodies at peace mechanisms para sa layuning ito.

Idiniin pa ni Governor Adiong Jr. ang pangako ng BGC na ibayong koordinasyon ng mga pambansa at pangrehiyong pamahalaan, mekanismo ng kapayapaan at kinauukulang mga ahensiya.

“Layunin namin na matiyak ang epektibong pagpapatupad ng batas at pabilisin ang decommissioning process. Itataguyod din ng BGC ang pantay na alokasyon ng pampublikong pondo at ang mas malawak na representasyon at paglahok ng mga mamamayan sa pamamahala sa iba’t-ibang bahagi, pulitika at grupong etniko sa rehiyon,” sabi pa niya

Hangad nilang bigyang-daan ang partisipasyon ng mga mamamayan at grupo sa proseso ng pag-unlad at pamamahala sa pamamagitan ng proseso ng halalan na nagtataguyod sa inclusivity. Nananawagan din ang BGC sa pagpupulong ng Council of Leaders ng BARMM para pag-ibayuhin ang representasyon ng LGU at ng grupong sektoral sa pamamahala sa rehiyon.

“Bukas kami sa pakikipagtulungan ng mga stakeholder na merong kahalintulad na mga adbokasya at handang makipagkasundo sa iba para matamo ang tuloy-tuloy na kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon,” dagdag ng gobernador.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with