^

Probinsiya

Governor Padilla, inihatid na sa huling hantungan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Governor Padilla, inihatid na sa huling hantungan
Governor Carlos Padilla
STAR/ File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Inihatid na kamakalawa sa kanyang huling hantungan si Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla matapos pumanaw sa edad na 78 nitong Mayo 5 dahil sa atake sa puso sa kanyang tahanan sa Barangay Quirino, Solano ng lalawigang ito.

Libu-libong mga Novo Vizcayanos, mga kaibigan at taga-suporta ang lumabas sa kanilang mga tahanan para masilayan ang funeral convoy ni Governor Padilla mula sa mga bayan ng Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur hanggang sa bayan ng Dupax del Norte kung saan siya inilibing kamakalawa.

Matapos dalhin sa Batasang Pambansa ang mga labi ni Padilla ay ibinalik ito para sa dalawang gabi at isang araw na lamay sa provincial capitol para masilayan ng iba pang mga Novo Vizcayanos.

Dinala sa Saint Anne Parish sa Dupax del Norte ang mga labi ni Padilla para tumanggap ng huling sakramento bago ito inilibing sa kanilang ancestral home sa Sitio, Anting, Barangay Malasin sa nabanggit na bayan.

Nakiisa rin sa isinagawang necrological service ang dalawa niyang pamangkin na sina Rommel Padilla at Senator Robinhood Padilla bago ito ihatid sa kanyang libingan.

Pinasalamatan naman ni dating Governor Ruth Ra?a Padilla, asawa ng yumaong gobernador ang lahat ng mga residente, bisita, taga-suporta at mga nagbigay ng tulong at pakikiramay sa pagpanaw ng gobernador ng lalawigan.

Si Padilla ay nanilbihan bilang huling mayor ng nag-iisa noon na bayan ng Dupax at nahalal bilang kauna-unahang mayor ng Dupax del Norte noong 1975 matapos na mahati sa dalawa ang Dupax. Naging assemblyman din siya noong 1978 bilang kinatawan ng Cagayan Valley o Region 2 at naging congressman ng Nueva Vizcaya ng 29 taon.

Tinawag din si Padilla bilang “Father of Free Public Secondary Education” dahil sa akda nitong RA 6655 o “The Free Public Secondary Education in the Philippines” na pinapakinabangan ngayon ng mga mag-aaral sa buong bansa.

RUTH RA?A PADILLA

SOLANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with