^

Probinsiya

Monumento ni ex-Pres. Macapagal ini-unveil ni GMA sa Zambales

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal–Arroyo (GMA) ang pag-unveil o paglalantad ng monumento (istatwa) ng yumao, nitong amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Zambales nitong Biyernes ng umaga.

Ang rebulto ni dating Pangulong Diosdado ay ini-unveil sa ginanap na seremonya sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Ang nasabing monumento ay itinayo ng PMMA bilang pagkilala kay dating Pangulong Diosdado na noong 1963 ay lumagda para pagtibayin ang batas na nagko-convert sa Philippine Nautical School bilang PMMA bunsod upang magkaroon na rito ng degree ng Bachelor of Science in Marine Transportation.

Bunga nito, awtomatikong maigra-grant ang Third Mate at Fourth Marine Engineer licenses na hindi na kailangan ang Professional Regulation Commission Examination sa mga estudyanteng nagtapos dito.

Sa kaniyang maikling talumpati, sinabi ni GMA na noong 2002 ng kasalukuyan pa siyang presidente, ang PMMA ay nagawang makapagprodyus ng 10% sa kabuuang bilang ng Filipino deck at engine officers na nagmamando sa international ships na umani ng tagumpay sa kita sa foreign exchange ng bansa.

PMMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with