^

Probinsiya

Hepe ng pulisya dedo sa salpukan ng kotse at SUV

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Patay ang hepe ng Tubao Municipal Police Station (MPS) matapos ang salpukan ng dalawang sasakyan kamaka­lawa ng  hapon  Bacnotan, La Union.

Dead-on-arrival sa Bacnotan District Hospital si Police Major John Maynard Macusi, 32, dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan habang sugatan  ang kabanggaan nitong drayber ng Toyota Fortuner na nakilalang si Avelino Ledda Anastacio Jr., 29. Ligtas naman ang  dalawang  sakay ni Anastacio.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-2:00 ng hapon nitong Martes sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Guinibang ng nasabing bayan.

Nasa magkabilang  lane sina Macusi na lulan ng kulay gray na kotse at Anastacio na nagmamaneho ngToyota Fortuner nang pagsapit sa nasabing lugar ay nagkaroon ng malakas na head on collision ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan, halos mawasak ang harapang bahagi ng kotse ni Macusi gayundin ang sasakyan na minamaneho ni Anastacio.

Mabilis na naisugod sa pagamutan ang mga biktima pero dahil sa tindi ng pinsalang sinapit ni Macusi ay hindi na ito umabot pa ng buhay sa ospital.

vuukle comment

MPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with