^

Probinsiya

223 babaeng ‘minero’ kinilala sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Vizcaya, Philippines — Bilang bahagi ng Women’s Month celebration ngayong buwan ng Marso,  nasa 223 kababaihan ang kinilala dahil sa kanilang mga natatanging kakayahan na magtrabaho sa mundo ng minahan na kadalasang gawain ng mga kalalakihan sa lalawigang ito.

Ayon sa pamunuan ng FCF Minerals Corporation, na nakabase sa Barangay Runruno sa bayan na ito, umabot sa 29% sa kabuuang bilang ng mga manggagawa sa loob ng minahan ay binubuo ng mga kababaihan na naitalaga sa ibat-ibang departamento.

Ayon kay Rodalyn Arcebal ng FCF Minerals Community Relations, sa kabuuan na 69 mga pangunahing posisyon sa minahan na hawak ng mga kalalakihan ay umabot na sa 26 na posisyon ang pinangungunahan ngayon ng mga babae.

Ito ay kinabibilangan ng Corporation Community Relations, ang top management position ng FCF Mi­nerals na pinangungunahan ni Agnes Binueza Rosales bilang manager sa nasabing departamento.

Limang iba pang kababaihan ang naitalagang manager sa iba pang departamento habang ang Community-Based Organizations sa lugar ay pinangunahan din ng isang babae.

Bukod sa mga kababaihang engineers, metallurgies, at office workers, ang iba pang mga gawain na panlalaki na ginagawa ng mga babae sa minahan ay kinabibilangan ng mga heavy equipment drivers, welder, gold room workers at marami pang iba.

Ang FCF Minerals ay may kasalukuyang financial and technical assistance agreements (FTAA) sa pamahalaan para sa operasyon ng Runruno Gold-Molybdenum Project na matatagpuan sa Barangay Runruno ng naturang lalawigan.

FCF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with