^

Probinsiya

3 terorista utas sa Army artillery attack

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong kasapi ng te­roristang Dawlah Islamiya ang nasawi sa pagbomba ng militar gamit ang 155 Howitzer cannons sa kanilang kuta sa Liguasan Marsh nitong Miyerkules.

Ang Dawlah Islamiya at mga kaalyadong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Al-Khobar, lahat hawig sa Islamic State of Iraq and Syria, ang siyang tinutukoy na responsable sa mga pambobomba sa Central Mindanao mula 2014.

Kinumpirma ng mga local government officials sa magkatabing mga probinsya ng Maguindanao del Sur at North Cotabato na nasawi sa naturang artillery offensive ang mga teroristang sina Samsudin Miro, Kamid Sindatu at Mohaimen Salik nang bumagsak ang isang 155 cannon round sa kanilang kina­roroonan.

Kinanyon ng mga tro­pa ng 602nd Infantry Brigade ang ilang targets sa Liguasan Marsh dahil sa ulat ng mga residente ng mga bayan ng Pagalungan at Montawal sa Maguin­danao del Sur hinggil sa presensya ng mga teroristang Dawlah Islamiya na pinamumunuan ni Almoben Sibud, na wanted sa mahigit 20 na mga kasong kriminal na nakasalang sa iba’t ibang korte.

“Isang calibrated anti-terror operation ang aming isinagawa upang masawata itong grupong ito sa paghasik ng kaguluhan sa alinmang lugar,” pahayag nitong Biyernes ni Major General Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division.

May malaking presensya ng mga armadong terorista sa 220,000-ektaryang Liguasan Marsh na napapalibutan ng mga probinsya ng Maguin­danao del Sur, Maguindanao del Norte, North Cotabato at Sultan Kudarat.

vuukle comment

DAWLAH ISLAMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with