^

Probinsiya

Quezon provincial government magbibigay ng full educational scholarships

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Mag­lulunsad ng dalawang Full Educational Scholarship Programs sa darating na buwan ng Agosto, 2023 ang Quezon provincial government bilang tulong sa mga mag-aaral sa lalawigan.

Nabatid na magbibi­gay ng “full scholarship with return of service program” para sa mga nagnanais kumuha ng mga kursong medikal tulad ng Medical Techno­logy, Nursing, Radiologic Technology, Veterinary Medicine, BS Psycho­logy, Speech Therapy, at iba pang kurso na may kaugnayan sa medisina.

Ayon kay Quezon Governor Dra. Helen Tan, ang pagbibigay ng scho­larship program sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong medikal ang sasagot sa kakulangan sa medical staff ng lalawigan. 

Aniya, maglulunsad din sila ng full scholarship program sa mga mag-aaral na wala kahit isa sa pamilya ang nakakapagtapos ng kolehiyo.

Makakatanggap ng libreng tuition fee, uniform, board and lodging, at allowance, ang mga mag-aaral na kwalipikado at mapipili sa mga nasabing scholarship programs.

SCHOLARSHIP CAMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with