^

Probinsiya

Binata tinadtad ng saksak, nobya ni-rape!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Binata tinadtad ng saksak, nobya ni-rape!
Ayon kay P/Major Jerome Mendiola, hepe ng Boac Municipal Police Station (MPS), bandang alas-5 ng umaga nang makita ng driver ng isang delivery van ang babae na itinago sa pangalang Michelle na duguan sa tinamong mga saksak sa katawan kaya agad na isinugod sa pagamutan.
STAR/File

Tent pinasok habang nagka-camping..

MANILA, Philippines — Nauwi sa karumal-dumal na krimen ang masayang camping ng isang magkasintahan matapos patayin sa saksak ang 21-anyos na binatang estudyante habang ni-rape at pinagsasaksak ang 17-anyos na girlfriend nito ng nag-iisang lalaking pumasok sa kanilang tent sa Boac, Marinduque nitong Biyernes.

Sa report ng Marinduque Police, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa tabing dagat ng Brgy. Ihatub, Boac kung saan nag-camping ang nasabing magkasintahan.

Ayon kay P/Major Jerome Mendiola, hepe ng Boac Municipal Police Station (MPS), bandang alas-5 ng umaga nang makita ng driver ng isang delivery van ang babae na itinago sa pangalang Michelle na duguan sa tinamong mga saksak sa katawan kaya agad na isinugod sa pagamutan.

Sa salaysay ni Michelle sa mga awtoridad, naalimpungatan siya matapos namang pasukin ng nag-iisang salarin na nanlilisik ang mga mata ang kanilang tent at agad na pinagsasaksak ang kaniyang boyfriend. Ang lalaking estudyante na pansamantalang ‘di pinangalan ay dead-on-the-spot sa insidente.

Nagawang makatakbo ng nasindak na si Michelle palabas ng tent pero hinabol siya ng salarin na armado ng patalim at nang maabutan ay puwersahang pinaghubad saka ginahasa.

Hindi pa nakuntento matapos halayin ay pinagsasaksak din ng suspek si Michelle.  Nabatid na tinangay rin ng salarin ang mga cellphone at pera ng mga biktima saka mabilis na tumakas.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team, sampung saksak ang kumitil sa buhay ng nasabing estudyanteng lalaki habang siyam naman ang saksak ni Michelle.

Sa teorya ng pulisya, posible umanong inakala ng salarin na patay na rin ang dalaga nang tumakas ito sa crime scene.

vuukle comment

MPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with