^

Probinsiya

3 deboto dedo, 3 sugatan matapos makuryente sa Pampanga fluvial parade

Philstar.com
3 deboto dedo, 3 sugatan matapos makuryente sa Pampanga fluvial parade
Makikitang inililigtas ng otoridad ang mga nakuryente sa naturang insidente sa larawang ito.
Screengrab mula sa Youtube channel ng News5 via Isabel Adriano

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong deboto habang 3 ang sugatan matapos makuryente habang isinasagawa ang fluvial parade sa Apalit Pampanga nitong Martes.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes, sinabing ang parada sa ilog ay kaugnay ng kapistahan ni St. Peter the Apostle na nagmula sa kaniyang shrine sa Barangay Capalangan papunta sa Pampanga River.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang insidente nang sumabit ang bakal na banderitas ng bangka sa live wire na siyang ikinakuryente ng anim na biktima. 

“Aksidente lang kasi hindi raw nila napansin dahil hindi na sila makapili ng halos dadaanan natapat sila doon sa medyo mababa (nakalaylay) na parte ng high tension wire natin,” sambit ni Police Lt. Col. Jose Charmar Gundaya, hepe ng Apalit Police Station.

"Kahit daw hindi dumikit 'yon [bakal] basta within 12 inches ang distansya, magkakaroon ng current yung bakal na didikit doon sa high tension wire kasi napakalakas daw ng kuryente nun," patuloy ni Gundaya sa panayam.

 


 
Kaagad din naman isinugod sa ospital ang mga nakuryente ngunit nasawi ang tatlo sa anim na biktima.

Samantalang nagtamo naman ng matinding sugat ang isa sa tatlong sugatan, habang minor injury naman ang tinamo ng dalawang iba pa.

Sa ngayon hinihintay pa ng Apalit police kung magsasampa ng kaso ang mga kaanak ng mga nasawi laban sa responsable sa naturang insidente. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan at may mga ulat mula sa The STAR at News5

APALIT

FLUVIAL PARADE

PAMPANGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with