Mister pinasok, niratrat sa bahay
CANDELARIA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang mister ng kanyang kapitbahay habang nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Masalukot 1, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa dibdib ay kinilalang si Joel Gutierrez, 51-anyos, habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Malabanan, may sapat na taong gulang.
Ayon sa imbestigasyon, nakaupong nanonood ng TV ang biktima nang pasukin ng suspek dakong alas-10:45 ng gabi at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril na ginamit sa krimen.
Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa mister.
- Latest