^

Probinsiya

Los Baños mayor sa 'Duterte drug list' patay nang barilin sa munisipyo

James Relativo - Philstar.com
Los Baños mayor sa 'Duterte drug list' patay nang barilin sa munisipyo
Litrato ni Los Baños mayor
Mula sa Facebook account ng Municipal Government of Los Baños

MANILA, Philippines — Patay sa pamamaril ang alkalde ng munisipalidad ng Los Baños, Huwebes ng gabi, matapos pagtatambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Dalawang beses pinaputukan sa ulo si Los Baños Mayor Caesar Perez sa kanilang munisipyo bandang 8:45 p.m. kagabi, ayon sa police report na nakuha ng The STAR.

Agad namang binawian ng buhay ang biktima — na dati nang nailagay sa kontrobersyal na "drug list" ni Pangulong Rodrigo Duterte — pagsapit ng 9:25 p.m.

Bagama't nangyari ito kasabay ng madugong gera kontra droga ng administrasyon, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na hindi pa malinaw sa otoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen.

"We have not yet yet received any material information as regards the identity of persons responsible for the death of Mayor Perez. There are no persons of interest either," ani Usana sa isang statement ngayong Biyernes.

"Rest assured however that police investigators are working double time to obtain evidence and to identify the mastermind and/or perpetrators behind the killing."

Bilang pagluluksa, ginawang itim ng Municipal Government of Los Baños ang kanilang profile picture sa Facebook ngayong madaling araw.

Posted by Municipal Government of Los Baños on Thursday, December 3, 2020

Ika-14 ng Marso 2019 nang isabit ni Duterte ang pangalan ni Perez sa iligal na droga dalawang buwan bago ang midterm elections noong Mayo.

Basahin: Charges filed vs 46 alleged narco politicians

May kaugnayan: Mayors hit ‘politically-motivated’ inclusion in 'narco list'

Maliban kay Perez, kasama sa mga pulitikong idinawit ni Duterte sa naturang listahan ang 45 pang local officials noon: 35 alkalde, pitong bise alkalde, isang provincial board member at tatlong miyembro ng House of Representatives.

Una nang sinabi ng mga local executives na may motibong pulitikal ang paglalabas noon ng gobyerno lalo na't isinapubliko ito bago pa ang halalan. 

Bago si Perez, matatandaang pinatay din ang iba pang pinararatangang "narco politican" habang gumugulong ang termino ni Duterte gaya nina dating Misamis Occidental Mayor David Navarro, dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at dating Ronda, Cebu Mayor Mariano Blanco III. — may mga ulat mula kay The STAR/Manuel Tupas

EXTRAJUDICIAL KILLING

LOS BANOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with