^

Probinsiya

Binata tinangay ng tubig-baha, tigok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ng search and rescue team ang isang 47-anyos na binata matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha habang tumatawid sa Kabuluan River sa Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Leonilo Derequito Belleza, magsasaka at residente ng Brgy. San Jose, Guinyangan sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga huling nakita ang biktima na sakay ng kanyang kalabaw para magpastol. Gayunman, pinilit nitong tumawid sa Kabuluan River sa gitna ng malakas na agos ng tubig baha sanhi ng malakas na bagsak ng ulan dahilan para tangayin ang biktima.

Agad humingi ng saklolo ang pamilya ng biktima sa mga opisyal ng barangay hanggang sa marekober ang bangkay nito sa dulo ng ilog sa harap ng Sta. Elena Water District Office.

BINATA

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with