^

Probinsiya

Higit P3 milyong troso nasabat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga elemento ng Environmental Protection and Enforcement Task Force ng DENR ang may P3,499,183.19 na halaga ng mga troso sa Barangay Pangil, Amadeo, Cavite, iniulat kahapon.

Armado ng search warrant kasama ng DENR operatives ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Air Force Nasugbu nang samsamin ang may kabuuag 43,103.91 board feet ng troso at 237 piraso ng assorted finished wood pro­ducts na may halagang P323,000. Walang naipakitang valid documents o permit ang may-ari ng mga troso kaya’t agad sasampahan ng kasong paglabag sa Section 77 ng PD 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

Pansamantalang nasa kustodya ng Army Reserve Command (ARESCOM) sa Camp Riego De Dios, Tanza, Cavite ang mga nakumpiskang kahoy para sa kaukulang safekeeping.

DENR

TROSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with