2 HVT huli sa P.7 milyong shabu
ANGELES CITY, , Philippines — Arestado ang dalawang high value target (HVT) ng pulisya dahil umano sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa magkahiwalay na isinagawang Drug buy-bust operation ng Police Station 4 at Angeles City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Pulung Maragul kahapon ng madaling araw.
Sa ulat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na pawang nasa watchlist ng pulisya na sina Apple De Jesus 30, Top 5 Oplan Sibat target, ng Don Jose Brgy. Pulung Maragul, at Ian Tejero, 34, ng Quezon St., Mt. View Subd., Brgy Balibago, sa lungsod na ito. Nasamsam ang nasa 115 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 782.000.00 at Perang ginamit bilang marked money. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.
- Latest