^

Probinsiya

Office for Transportation Security namigay ng regalo

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Nakatutuwa kung titingnan ang mga tauhan ng Office for Transportation Security o OTS na mga nakatalaga sa NAIA Terminals dahil “ready to go” silang tumulong upang siguruhing ligtas sa pagbiyahe ang madlang passengers sa airport ngayong hudas este mali Undas pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bilang bahagi ng mga preparasyon sa NAIA tungkol sa “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019,” ang OTS ay mamimigay ng libreng “Malasakit Help” kits sa mga passengers ng 1,500 pieces na foldable fans, 2,000 pieces na light snacks, at 800 pieces na bottled water na sinimulan yesterday.

Sabi nga, free of charge ito.

Kaya naman sangkaterba ang napanganga sa estilo ng pamunuan ng OTS.

Ika nga, for the 1st time in history itong nangyari. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing kits ay ipamamahagi pala sa iba’t ibang Malasakit Help Desks sa mga major land, sea, air, at rail transport hubs sa Philippines my Philippines. 

Bakit kaya?

Pang “PR?” Hehehe.

Ika nga, ngayon lang ito ginawa ng OTS na mamigay ng mga sinasabing mga bagay sa itaas para sa mga passengers.

Sabi nga, bawas pondo?

Anong say ninyo?

Abangan.

Ang lindol, bow

Ikinalulungkot ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nangyaring lindol sa Mindanao na ikinatakot ng mga madlang people dito.

Sabi nga, sangkaterba ang nataranta at natakot lalo’t may mga aftershocks pa silang nararamdaman.

Ika nga, yumayanig pa ang lupa!

Sana maging kalmado na sa lugar para balik normal ang madlang people dito at hindi nerbiyosin ang mga apektado.

Ano kaya ang mabuting gawin?

Importante ang huwag mag-panic at lalo na ang magdasal.

Ano sa palagay ninyo?

Ingat!

OFFICE FOR TRANSPORTATION SECURITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with