Rides sa amusement park bumagsak: 6 sugatan
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Anim katao kabilang tatlong bata ang sugatang isinugod sa ospital matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang spinning-swinging rides sa carnival ng isang mall sa Landco Business Park, Brgy. Capantawan sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi.
Patuloy na nagpapagaling sa Bicol Regional Trai-ning and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Jester Kurt Badong, 6-anyos; Jasmine Maud, 8; Mateth Lopez, 59, pawang residen-te ng Brgy. Rawis; Angyeta Balong, 40; Monica Herrera, 22, at Jeric Conde,12, mga taga-Brgy. Taysan sa Legazpi City.
Sa ulat ng pulisya, alas-9:10 ng gabi habang lulan ng nasabing rides at nagkakasayahan ang mga biktima nang masira ang kanilang sinasakyan na spinning swing at biglang bumagsak ito sa lupa.
Agad na nagresponde ang Emergency Rescue Unit ng lungsod at isinugod ang mga biktima sa ospital.
Dahil sa insidente, agad ipinasara ng lokal na pamahalaan ang naturang amusement park habang iniimbestigsahan pa ang insidente.
- Latest