^

Probinsiya

Bagong halal na kagawad, utas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bagong halal na kagawad, utas sa ambush
Kinilala ang napatay na biktima na si Felix Moldon, nasa hustong gulang, at nangunguna sa mga nagwaging kagawad sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kanilang lugar sa Brgy. Sto Niño, Mulanay ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Hindi pa man halos nakapagsisimula sa kanyang tungkulin bilang bagong halal na barangay kagawad, nasawi ang isang mister matapos siyang tambangan ng hindi pa nakilalang armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong Huwebes.

Kinilala ang napatay na biktima na si Felix Moldon, nasa hustong gulang, at nangunguna sa mga nagwaging kagawad sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kanilang lugar sa Brgy. Sto Niño, Mulanay ng lalawigan.

Sa ulat, sinabi ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, Director ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Police nangyari ang pana­nambang sa biktima sa Brgy. Sta Rosa, Mulanay dakong alas-7:45 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang salarin na lulan ng motorsiklo at nang matiyempuhan ang biktima na nasa tabi ng highway ay bigla na lamang itong pinagbabaril gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

Ilang putok ang umali­ngawngaw kung saan du­guang bumulagta ang biktima habang mabilis namang tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inihayag ni Eleazar na kasalukuyan na nilang ini­imbestigahan kung may kinalaman sa katatapos na halalan ang motibo ng pananambang sa biktima.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

BARANGAY KAGAWAD

FELIX MOLDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with