12 minahan sa Cotabato, pinatitigil
NORTH COTABATO, Philippines - Nagpalabas ng stoppage order si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes laban sa 12 small scale mining sa bayan ng T’boli, South Cotabato. Maging ang Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ay nag-isyu na rin ng stoppage order laban sa 12 minahan hanggang hindi makapagsumite ng emergency response and preparedness plan. Ang nasabing kautusan ay base sa site investigation ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng T’boli, Provincial Environment and Natural Resources Office at Department of Environment and Natural Resorces-Mines and Geosciences Bureau. Base sa tala, nagka-landslide sa Sitio Tunnel, Barangay Kimatu, bayan ng T’boli sa South Cotabato noong Hulyo 18, 2017 kung saan maraming pamilya ang naapektuhan dulot ng illegal mining.
- Latest