^

Probinsiya

Cavite ambush: 4 riders bulagta

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  – Apat-katao na sinasabing may mga naka­binbing kasong kriminal ang napatay makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Malagasang 2G sa Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, magkakaangkas sa tatlong motorsiklo ang mga biktima nang harangin at ratratin sa bahagi ng Mary Cris Homes Subd. sa nasabing barangay.

Hanggang sa kasalukuyan ay  bineberipika pa ang pagkakakilanlan sa mga biktima na tinatayang nasa  edad na 25 hanggang 35 at mga naka-jacket.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at tatlong motorsiklo na ginamit ng mga biktima.

PANTALEON GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with