^

Probinsiya

5-anyos utas sa kapitbahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines - Isang 5-anyos na batang lalaki ang patay nang masaksak ng naghuramentadong kapitbahay na magsasaka habang nasa loob ng kanilang bahay sa Sitio Giwanon, Brgy. Manapao sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng gabi. Agad na nasawi ang biktima na si Rene Dualos Jr. dahil sa mga tinamong saksak sa dibdib habang naaresto kahapon ng pulisya ang suspek na si Charlie Cabatingan, 26. Sa ulat, alas-7 ng gabi nang umatake ang suspek na armado ng patalim sa bahay ng biktima dahil sa hinalang ninakaw ng tatay ng bata na si Rene Dualos Sr. ang mga nakataling panabong na manok ng una. Nang makitang papasugod ang suspek, mabilis na tumakbo ang si Dualos Sr.  at hindi naabutan ng suspek. Dito nagwala ang suspek at pinagbalingang saksakin ng hawak na patalim ang dinding ng kanilang bahay kung saan nagtatago naman sa kabila ang takot na takot na bata. Dahil sa gawa lang sa mahinang materyales ang bahay, tumagos ang patalim sa kabila ng dinding at natamaan ang bata sa dibdib.

 

KAPITBAHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with