^

Probinsiya

16 barangay lubog sa tubig-baha

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa  16 barangay sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang lubog sa tubig-baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan noong nakalipas na araw.

Ayon kay Eduardo Diesto, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Officer, lalong tumaas ang level ng tubig-baha sa bayan ng Datu Piang dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao River at Liguasan Marsh dahil sa matinding pag-ulan.

Maliban sa mga bahay na lubog sa baha, sinalanta rin ang mga pananim na palay at mais. Nakatakdang mamigay ng tulong ang lokal na pamahalaan, provincial government ng Maguindanao at ARMM-Humanitarian Emergency Action Response Team.

Samantala, patuloy ngayon ang validation ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Agriculture kaugnay sa mga magsasakang naapektuhan matapos ang sunud-sunod na pag-ulan sa nasabing bayan.

Nakatakda namang isailalim sa state of cala­mity ang nasabing bayan habang patuloy na minomonitor ang kalagayan ng mga residente.

DATU PIANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with