^

Probinsiya

Municipal administrator, itinumba

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na municipal administrator sa bayan ng Jones, Isabela matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen malapit sa kanyang bahay sa Barangay Uno sa nasabing bayan noong Huwebes. ?

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Leon Rafael, Isabela PNP director, nalagutan ng hini­nga habang ginagamot  sa pribadong ospital si Noime “Noy” Guerrero na concurrent municipal registrar ni Mayor Leticia Sebastian.?

Ayon sa mga saksi, kina­ilangan pang magpahinto ng traysikel si Guerrero para itakbo ang sarili sa Prospero Bello Community Hospital bago ito inilipat sa pagamutan sa bayan ng Echague.?

Si Guerrero ang ikalawang kaalyado at opisyal na malapit kay Mayor Sebastian ang pinatay mula nang itumba ang kanyang tesorero na si Mario Duerme noong 2014.?

Pulitika ang isa sa mga sinusundang anggulo ng pulisya sa pagpatay sa biktima kung saan narekober sa crime scene ang 7-basyo ng bala ng cal. 45 pistol

Noong nakaraang kampanya, dalawang kaalyado ni Sebastian kabilang ang kanyang vice mayor na si Ronaldo Lucas ang nilikida. ?

Samantala, tatlo naman ang napatay sa panig ng kalaban si Melanie Uy kabilang ang bayaw nitong pulis noong bisperas ng Mayo 9 elections.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with