^

Probinsiya

Abu kidnaper, nalambat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote ng pinagsanib na tauhan ng pulisya at militar ang isa sa mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa serye ng kidnap-for-ransom sa isinagawang operasyon sa  kahabaan ng Don Pablo Street sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Alabata, PNP regio­nal spokesman ang suspek na si Lintang Abdul Manap na guma­gamit ng mga alyas na Said, Munap Saimaran at alyas Mentang Abdulmanap.

Nabatid na isinailalim sa surveillance ang suspek matapos na makatanggap ng report kaugnay sa presensya ng mga wanted na suspek.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Ernesto Gutierrez ng Parang Regional Trial Court  Branch 4, Sulu at Judge Erlinda Uy ng  Pasig City Regional Trial Court Branch 162.

Sa tala ng pulisya, ang suspek ay sangkot sa 21-counts ng kidnapping with ransom sa Sipadan, Malaysia noong 2000 at iba pa.

ABU SAYYAF

ACIRC

CHIEF INSP

DON PABLO STREET

JUDGE ERLINDA UY

JUDGE ERNESTO GUTIERREZ

LINTANG ABDUL MANAP

MENTANG ABDULMANAP

MUNAP SAIMARAN

PARANG REGIONAL TRIAL COURT

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with