^

Probinsiya

Family fued sumiklab: 2-libo lumikas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

Pikit, North Cotabato, Philippines – Mahigit dalawang libong katao o katumbas ng 568 pamilya sa dalawang barangay ang nagsilikas nang muling magka-engkuwentro ang dalawang angkan na may matagal nang alitan sa Barangay Rajamuda at Talitay sa bayan ng Pikit, Cotabato kahapon.

Sa report kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesperson ng Cotabato Provincial Police Office, da­lawang lider ng pamilya ang nagka-engkuwentro na pinamunuan ni kumander Buto Mantol habang pinamunuan naman nina Kumander Mokamad Andoy at Ricky Husain ang isa pang grupo na kapwa mula sa pangkat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Dahil sa labanan, halos 70 porsyentong mga pamil­ya sa nabanggit na mga barangay ang nagsilikas na umaabot sa 2,831 indibiduwal matapos na maipit sa karahasan.

Tiniyak naman ni P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit Police ang kaligtasan ng mga Internally Displaced Person (IDPs) na pansamantalang nanunuluyan sa Madrasa o Mahad (isang paaralan ng mga Muslim) ang mga evacuees kagaya ng mga Mahad sa Fort Pikit, Bulod at Inug-og.

Ang ibang residente ay pansamantalang nanunuluyan sa kamag-anak nila sa kalapit na barangay.

Bandang alas-9:00 ng umaga kahapon nang humupa ang tensiyon sa nasabing mga lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY RAJAMUDA

BERNARD TAYONG

BUTO MANTOL

COTABATO PROVINCIAL POLICE OFFICE

FORT PIKIT

INTERNALLY DISPLACED PERSON

KUMANDER MOKAMAD ANDOY

MAHAD

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with