2K refugees sa Surigao Sur nagkakasakit
North Cotabato, Philippines – Nasa 2,000 refugees mula sa iba’t ibang evacuation centers sa Surigao del Sur ang iniulat na nagkakasakit.
Ayon sa Department of Health (DOH) Caraga umaabot na sa 1,973 ang nagkakasakit na karamihan ay mga bata na may edad na 12-anyos at matatanda kung saan halos kalahati nito ang na-diagnose na may acute respiratory illness, mayroon ding ginamot dahil sa malaise, sakit ng ulo, influenza-like illnesses, conjunctivitis, skin disease at iba pang mga sakit.
Ang mga refugees ay pansamantalang nakatira sa Surigao del Sur Sports Complex sa Tandag City, pati na sa Marihatag Municipal Gymnasium sa bayan ng Marihatag at sa Janipaan Elementary School sa bayan ng San Agustin na pawang sakop nang nasabing lalawigan.
Nilisan ng mga ito ang kani-kanilang mga komunidad dahil sa kaguluhan na gawa umano ng tropa ng pamahalaan at puwersa ng mga rebelde.
Ayon kay DOH-13 regional director Dr. Jose Llacuna, magpapatuloy ang kanilang health at medical support sa mga evacuees hangga’t hindi pa sila nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Kasama rin sa ibinigay nilang serbisyo ay ang pagseguro sa sapat na water supply, vermin control, immunization, nutrition, consultation at health education.
- Latest