^

Probinsiya

2 estudyante pisak sa killer truck

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  - Hindi na naipagpatuloy ng dalawang estudyante ng Technical Education and Skills Developement Authority ang kanilang pag-aaral matapos mapisak ang kanilang motorsiklo nang kasalubong na killer truck sa kahabaan ng MacArhtur Highway sa Barangay San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina John Mark Estiller, 20, ng Seminiano Compound; at Erwin Labido, 24, ng Northville 4-A sa Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan at mga estudyante sa TESDA sa bayan ng Guiguinto sa kursong auto mechanic.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck na si Joel Agne, 34, ng Barangay Comon sa bayan ng Aritao, Nueva Viscaya.

Ayon kay PO3 Richard Lagman, nagmamaniobra ang truck (TNA-197) na may saku-sakong palay na minamaneho ni Agne papasok sa compound ng Intercity Industrial Estate nang sumalpok at pumailalim ang motorsiklo ng mga biktima na patungo sana sa bayan ng Marilao.

Pinaniniwalaang mabilis at hindi nakontrol ng driver ng motorsiklo na si Estiller kaya nakasalubong si kamatayan sa ilalim ng truck.

 

vuukle comment

BARANGAY COMON

BARANGAY LAMBAKIN

BARANGAY SAN JUAN

BULACAN

ERWIN LABIDO

INTERCITY INDUSTRIAL ESTATE

JOEL AGNE

JOHN MARK ESTILLER

MARILAO

NUEVA VISCAYA

RICHARD LAGMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with