^

Probinsiya

Parak, 2 pa utas sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlo katao kabilang ang isang 36-anyos na miyembro ng Philippine National Police ang nasawi matapos na masangkot sa magkakahiwalay na aksidente ang sinasakyang mga motorsiklo sa Ilagan city, Isabela at Gonzaga, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Vicente Valdez, hepe ng PNP Ilagan City ang nasawi na si PO3 Fran­cisco Buquel, nakatalaga sa Kalinga-Isabela Police detachment sa Quezon, Isabela at tubong Tuguegarao City, Cagayan. ?

Nabatid na nawalan ng kontrol si Buquel sa minamanehong motorsiklo dahil sa madulas na highway ng Barangay  San Andres dulot ng ulan habang patungo sa kanyang duty dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi.

Sa Gonzaga, Cagayan sinasabing kapwa lasing ang mga drayber ng motorsiklo na sina Erwin Cariaga, 26-anyos, obrero at estud­yanteng si Larry Galardo Jr., 22, nang magkasalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Pateng.? Kritikal naman ang mga angkas ng biktima na sina John Dazun, 20 at John Nicole Aglanao, 18.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY PATENG

BUQUEL

ERWIN CARIAGA

ILAGAN CITY

ISABELA

JOHN DAZUN

JOHN NICOLE AGLANAO

KALINGA-ISABELA POLICE

LARRY GALARDO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with