^

Probinsiya

Bus swak sa bangin: 23 sugatan

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawampu’t tatlo-katao ang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa may 37 talampakang lalim na bangin sa gilid ng Marcos Highway sa Sitio Umesbeg, Barangay Taloy Sur, bayan ng Tuba, Benguet kahapon ng mada­ling araw.

Kabilang sa mga pasaherong isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ay sina Levy Dipad, 53, driver ng bus; Rehana Malaco, 17; Noraina Malaco, 26; Walfina Malaco, 24; Renato Dizon, 45; Myrna Ro­perto, 23; Joel Mangubat, 37; Ricardo Tolention, 39; Romilo Florez, 49; Christopher Dacanay, 26; at iba pa.

Isa namang 25-anyos na turistang Finnish national na si Vesa Puosi at isang sanggol ang masuwerteng hindi naman nasugatan.

Sa ulat ni Cordillera PNP Director P/Chief Supt. Isagani Nerez, bumabagtas ang Victory Liner (CXS 967) na minamaneho ni Dipad na may lulang 46-pasahero at patungo sa Baguio City mula sa Pasay City nang masilaw ang driver ng bus sa kasalubong na truck na nang-agaw ng linya.

Ayon sa kunduktor na si Michael Rodriguez, naka­big ni Dipad ang manibela pagsapit sa pakurbadang highway saka nagtuluy-tuloy na sumabit sa punungkahoy bago mahulog sa bangin.?

Tinutunton ngayon ng mga operatiba ng pulis­ya ang pagkakakilanlan ng driver ng truck na tu­makas matapos ang sa­kuna.

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY TALOY SUR

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER DACANAY

DIPAD

DIRECTOR P

ISAGANI NEREZ

JOEL MANGUBAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with