Lider ng KFR gang timbog
MANILA, Philippines – Nabitag ng mga awtoridad ang sub-leader ng isang notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) gang sa isinagawang operasyon sa Brgy. Tenan, Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, kinilala ang nahuling suspek na si Ayub Enriquez, sub-leader ng kilabot na Barahama Alih KFR nago-operate sa Zamboanga Peninsula.
Bandang alas-9:20 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Zamboanga Sibugay Police Public Safety Company at Provincial Intelligence Branch at Ipil Police Station ang suspek sa hideout nito.
Si Enriquez ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josefino Bael, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 24 ng Ipil kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito.
Nasamsam mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol, isang magazine na may limang bala at isang fragmentation grenade.
- Latest