Barangay Chairman, 4 pa niratrat!
NORTH COTABATO, Philippines – Patay agad ang isang kapitan ng barangay kabilang ang apat na katao matapos na tambangan ang mga ito sa Barangay Dimapatoy, Datu Odin, Sinsuat Maguindanao kahapon ng hapon.
Dead-on-the spot ang mga biktimang sina Dinaig Proper Brgy. Chairman Datu Michael Sinsuat Dalidig, Kagawad Jonathan Benito, asawa nitong si Rosemarie Benito, Day care teacher at anak nilang si Michiel Benito, 12-anyos at isang Ted Abdullah, checker ng isang Quarry site at pawang mga taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Phlippine National Police-Datu Odin Sinsuat, papauwi ang mga biktima sa kanilang bahay sakay ng isang puting multicab galing sa Sitio Dimapatoy ngunit pagdating sa bahagi ng Brgy. Dinaig Proper ay bigla na lang tinambangan ng mga armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang M14 riffle at M16 riffle base na rin sa nakober na mahigit dalawang daang basyo ng bala sa crime scene.
Blanko pa rin ngayon ang mga otoridad sa motibo ng nasabing pananambang habang nagpapatuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
- Latest