^

Probinsiya

Hepe, 6 parak inginuso sa salvage!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong pag-tortyur at pagpatay ang isang dating hepe ng pulisya at anim nitong tauhan kaugnay sa pagkaka-diskubre noong Hunyo ng tatlong pugot na bangkay ng carnap suspects sa Isabela matapos silang sampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon .?

Kinasuhan sa Department of Justice sina Sr. Insp. Sherwin Concha, dating hepe ng PNP Aurora, Isabela at kanyang deputy na si Insp. Rey Lopez at tauhan na sina SPO3 Julian Obrero III, SPO1 Randolph Cauan, PO2 Alex Abalos, PO2 Jose Soliven II at PO2 Eduardo Aban.?

Sinabi sa PSN ni NBI Isabela Officer Paul Rivera na isinasangkot ang mga nasabing mga pulis sa pagkamatay nina Gabriel Ternio 29, Johnny Languit  19 at Noel Te-od, 18, ng Pinukpuk, Kalinga na huling nakitang buhay na inaresto sa palengke ng Aurora noong Mayo.?

Ayon kay Rivera may pang-apat na suspect sa carnapping ang nakatakas at nagawang ikuwento sa NBI ang karumal-dumal na pag-tortyur at pagpatay ng mga akusado sa kasamahan nito bago sila inilibing sa lote ng pamilya ni PO2 Alex Abalos sa  Brgy. Bagong Tanza noong Hunyo.?

Nabatid na si Concha ay naka talaga ngayon sa Isabela Police Office sa Ilagan city.

ALEX ABALOS

BAGONG TANZA

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDUARDO ABAN

GABRIEL TERNIO

HUNYO

ISABELA

ISABELA OFFICER PAUL RIVERA

ISABELA POLICE OFFICE

JOHNNY LANGUIT

JOSE SOLIVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with