^

Probinsiya

State of calamity sa Maguindanao

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang siyam na bayan sa lalawigan ng Maguindanao matapos lumubog sa tubig-baha dahil sa patuoy na buhos ng ulan.

Sa ulat ng MDRRMC head Benjamin Alip, uma­bot na sa 4,935 pamilya (23,519 indibidwal) ang apektado ng pagbaha na nagsimula noong nakaraang linggo dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang sa nilamon ng tubig-baha ay ang mga ba­yan ng Pagalungan, Sultan Kudarat, Kabuntalan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Sultan sa Barongis, Rajah Buayan, Datu Hofer, at sa bayan ng Mamasapano.

Samantala, aabot sa 30 barangay sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang lubog pa ring tubig-baha nitong nakalipas na araw.

Sa talaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 19 barangay sa bayan ng Pikit at 9 barangay sa Kabacan ang binaha.

Habang umaabot sa 100 ektaryang taniman ng pananim ang lubog sa tubig-baha sa bayan ng Kabacan.

Patuloy namang inaalalayan ng mga miyembro ng Humanitarian Emergency and Response Team (Heart) sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao ang mga pamilyang apektado ng tubig-baha.  

AUTONOMOUS REGION

BENJAMIN ALIP

DATU HOFER

DATU ODIN SINSUAT

DATU PIANG

HUMANITARIAN EMERGENCY AND RESPONSE TEAM

KABACAN

MUSLIM MINDA

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with