^

Probinsiya

2 tiklo sa nakawan sa BIR office

Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang  casual employees sa bayan ng San Remigio, Cebu makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue noong Huwebes.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jasper Dosdos ng Barangay Argawanon; at Jeslab Añonuevo ng Barangay Poblacion, San Remigio.

Ayon kay P/Chief Inspector Alexander Ancao, hepe ng San Remigio PNP, inamin ng mga suspek  ang nakawang naganap sa nasabing opisina kung saan nawala ang P6,700 cash.

Sina Dosdos at Añonuevo na nasakote sa inilatag na operasyon ng pulisya noong Biyernes  ay nahaharap sa kasong robbery sa Bogo City Regional Trial Court Branch 61.

Sa ulat ng pulisya, nakapasok ang dalawa sa BIR office matapos wasakin ng jalousie ng bintana na kinalalagyan ng aircon sa Traffic Management Office.

Napag-alamang sangkot din sina Dosdos at Añonuevo sa nakawan ng bigas sa Municipal Social Welfare and Development office, ayon pa kay Ancao. (Freeman News Service)

BARANGAY ARGAWANON

BARANGAY POBLACION

BOGO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF INSPECTOR ALEXANDER ANCAO

FREEMAN NEWS SERVICE

JASPER DOSDOS

JESLAB A

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

SAN REMIGIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with