4 rebelde patay, 1 pulis sugatan sa Cotabato
MANILA, Philippines - Apat ang nasawi sa hanay ng mga rebelde habang isang pulis ang sugatan matapos ang kanilang engkwentro sa North Cotabato ngayong Martes ng madaling araw.
Ayon sa ulat, halos 100 miyembro ng New People's Army ang dumating sa bayan ng President Roxas lulan ng mga trak.
Sinubukang sakupin ng mga rebelde ang istasyon ng pulis sa lugar bandang alas-3 ng madaling araw.
Tumagal ng isang oras ang engkwentro kung saan tatlong rebelde ang nasawi.
Natagpuan pa ang isang bangkay sa pursuit operations na isinagawa ng mga pulis.
Nasugatan ang hepe ng pulis na si Senior Inspector Bernabe Rubio.
Nakuha ng mga pulis ang isa sa mga trak na ginamit ng mga rebelde na may lamang mga bala, backpacks, iba't ibang papeles at medical kits.
- Latest