43-anyos lalaki biniyak ang ulo
MANILA, Philippines - Mistulang buko na biniyak ang ulo ng 43-anyos na lalaki makaraang tagain ng kanyang nakaalitang lalaki sa Barangay Maytalang I, bayan ng Lumban, Laguna, kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Supt Romulo Emocling Sapitula, Laguna PNP director mula kay P/Senior Insp. Richard Dones Corpuz, hepe ng Lumban PNP, kinilala ang biktima na si Nelson Garbo ng Brgy. Balubad habang pinaghahanap naman ang suspek na si Kenneth Lacbay ng nasabing bayan. Lumilitaw na nag-uusap ang dalawa sa nasabing lugar nang magkapikunan hanggang sa maganap ang krimen. Nagawa pang maisugod sa Laguna Provincial Hospital ang biktima subalit idineklara na itong patay.
- Latest