^

Probinsiya

Calabarzon media groups nag-indignation rally

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“  Umabot sa 100-mamamahayag mula sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (Calabarzon) ang nag-indignation prayer rally noong Huwebes sa Imus Cavite para ipanawagan ang dagliang pagresolba sa kaso ng pagpatay sa tabloid reporter na si Rubilyn “Rubie” Garcia.

Pinangunahan ng National Union of Journalist of the Phi­lippines (NUJP), nagdaos ng panalangin at candle lighting ceremony sa Our Lady of Pillar Cathedral na isinagawa ni Father Randy.

Matapos ang panalangin, nag-martsa ang mga mamamahayag patungong Camp Pantaleon Garcia para makipagkita kay Cavite provincial director P/Senior Supt. Joselito Esquivel para sa dialogo.

“Kasama n’yo ako sa indignation rally na ito, gagawin natin ang lahat para mabigyang hustisya  ang kasamahan nating si Rubie,” pahayag ni Esquivel.

Ayon kay Esquivel, apat na anggulo ang kanilang tinututukan ngayon- “family, neighbourhood, profession at personal business’ bilang mga posibleng pagmulan ng motibo para ito paslangin.

Inatasan na ni Esquivel ang 200 kapulisan para sumama sa Special Investigation Task Group-Rubie kung saan 24-7 ang operasyon para maresolba agad ang kaso.

Inanunsyo rin nito na tumaas na ang reward money mula P.1 milyon sa P150k na ipagkakaloob ni Cavite Governor Jonvic Remulla, Bacoor Mayor Strike Revilla at ang media group ALAM.

Ipinagtapat din ni Esquivel na may mga promising leads na silang nakakalap pero tumanggi muna itong ilahad sa media para hindi makaapekto sa operasyon.

 â€œMeron din kaming nakuhang mga CCTV footages pero ine-extract pa namin sa technical,” dagdag pa ni Esquivel.

 

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE GOVERNOR JONVIC REMULLA

ESQUIVEL

FATHER RANDY

IMUS CAVITE

JOSELITO ESQUIVEL

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHI

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with