^

Probinsiya

2 bata pinugutan ng nababaliw na misis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang pinagtataga at pinugutan ng ulo, isa rito ay sariling anak ng ginang na umano’y nasisiraan ng pag-iisip na napaslang din ng ama ng isa sa mga biktima sa isang liblib na lugar  sa Cauayan, Negros Occidental, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Sr. Supt. Milko Lirazan, Provincial Police Office (PPO) Director ng Negros Occidental Police, naganap ang krimen sa Purok 3, Brgy. Baclao ng nasabing bayan bandang alas-5 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Sr. Ins­pector Noel Garinglao, hepe ng Cauayan Police, nagtungo ang ginang na si Perlita Sagmon, 43 anyos dala ang 2 taong gulang na anak nitong  babae  sa Brgy. Baclao at nakikain sa pamangkin nitong si Lea Montilla.

Gayunman, ilang sandali pa ay biglang nagsisigaw ang ginang saka dinaluhong ng saksak sa likod si Lea kung saan nagpambuno ang dalawa hanggang  makatakbo ang huli palabas ng kanilang bahay pero naiwan ang isang taong gulang na anak nitong lalaki na tinukoy lamang sa palayaw na Totoy.

Sa pahayag sa mga awtoridad ni Brgy. Captain Roselo Delocanog ng naturang lugar, unang pinagtataga ng ginang ang sarili nitong anak na hindi pa nakuntento ay pinugutan ng ulo at isinunod naman ang batang lalaki na tinagpas din ang ulo.

Nakahingi naman ng tulong si Lea sa asawang si Rodney Montilla na bitbit ang airgun ay napahangos sa kanilang bahay at la­king gulat ng maabutan na patay at pugot na ang ulo ng dalawang bata.

Sa tindi ng galit ni Rodney ay pinagtataga rin nito si Sagmon sa leeg hanggang sa mapatay ang nababaliw umanong ginang.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang nasabing mister.

 

vuukle comment

BACLAO

BRGY

CAPTAIN ROSELO DELOCANOG

CAUAYAN POLICE

LEA MONTILLA

MILKO LIRAZAN

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

NOEL GARINGLAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with