^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa Zambo judge timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na ang suspek sa pananambang ng isang mahistrado sa Zamboanga City noong Pebrero 28, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Lunes.

Sinabi ni Roxas na nasakote ang gunman na si Mohamad Alkhalidz Paradji Amisali kahapon bandang 3:30 ng hapon sa Sunrise Drive, Zamboanga City.

Dagdag ng kalihim na tatlong testigo ang positibong nagturo kay Paradji na pumatay kay Judge Reynerio Estacio.

Kaugnay na balita: Pagpatay sa Zambo judge pinaparesolba agad ni PNoy

Itinumba si Estacio habang nasa loob ng kanyang sasakyan kasasama ang asawa sa harap ng kanyang bahay.

Ilang oras matapos ang insidente ay iniutos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagresolba kaagad sa kaso.

Bukod dito ay iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III sa hepe ng Zamboanga City police na panagutin ang nasa likod ng pagpatay kay Estacio.

BUKOD

DAGDAG

ESTACIO

ILANG

JUDGE REYNERIO ESTACIO

MOHAMAD ALKHALIDZ PARADJI AMISALI

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with