^

Probinsiya

Lola sinakal, minartilyo sa junkshop

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 63-anyos na lola na sinasabing katiwala sa junk shop makaraang sakalin ay minartilyo pa ng lalaking nagbenta ng scrap kamakalawa ng gabi sa Barangay Duhat, bayan ng Bocaue, Bulacan.

Sinakal gamit ng electrical cord at basag ang bao ng ulo ng biktimang si Zenaida Obar, biyuda at naninirahan sa Sitio Libis Kanan sa nasabing barangay.

Inilatag na ang pulisya ang malawakang manhunt operation laban sa suspek na si Edwin Marcelino, 60, tubong Calauag, Quezon at nakatira sa Barangay Cogeo, Antipolo City, Rizal.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Cabuhat nagpunta ang suspek sa junk shop ng mag-asawang amo ng biktima upang magbenta ng iba’t ibang kasangkapang pang-kusina.

Gayon pa man, pansamantalang pinatuloy ng biktima ang suspek sa junkshop habang ang kanyang apong babae naman ay lumabas.

Nang bumalik ang apong babae kinabukasan ay natagpuan nito ang kanyang lola na dugaung nakahandusay sa ilalim ng lababo.

Narekober sa crime scene ang baseball bat, martilyo na may bahid ng dugo habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY COGEO

BARANGAY DUHAT

BOCAUE

BULACAN

CALAUAG

EDWIN MARCELINO

FERDINAND CABUHAT

SITIO LIBIS KANAN

ZENAIDA OBAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with