^

Probinsiya

Driver ng ambulance tiklo sa droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Hindi lang may sakit at mga biktima ng sakuna ang inihahatid ng 42- anyos na drayber ng ambulansiyang konektado sa Provincial Health Office kundi shabu na rin sa mga sugapa sa droga matapos itong masakote sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa bahagi ng Barangay Dagupan West sa Tabuk City, Kalinga  kamakalawa. Ayon kay Kalinga PNP spokesman P/Supt. Petronilo Guidangen, pormal namang kinasuhan ang suspek na si Leonardo Madagsen Nalog, kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga. Nabatid na isinailalim sa pagmamatyag ang suspek dahil sa pagpapakalat nito ng bawal na droga. Nasamsam sa suspek ang 18- plastic heat sealed sachets ng shabu matapos ang buy-bust operation  sa loob ng Kester Agageo Billard Hall sa Tabuk City.

AYON

BARANGAY DAGUPAN WEST

KALINGA

KESTER AGAGEO BILLARD HALL

LEONARDO MADAGSEN NALOG

NABATID

NASAMSAM

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

PETRONILO GUIDANGEN

PROVINCIAL HEALTH OFFICE

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with