^

Probinsiya

Shabu tiangge ni-raid: 7 bumulagta

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong pinaghihinala­ang drug pusher ang napatay habang tatlo namang ope­ratiba ang nasugatan matapos mauwi sa shootout ang isinagawang raid sa nadiskubreng shabu tiangge sa Barangay Ilang, Davao City kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Joel Pernito, hepe ng Eastern Mindanao Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bitbit ang 26-search warrants ay sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Davao City PNP, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang shabu tiangge sa coastal Muslim Village sa mga kabahayan mula Block 1 hanggang 9 sa nasabing barangay.

Gayon pa man, papasok pa lamang sa nasabing compound ang mga operatiba ay biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa  mga drug pusher na nagtatago sa ilang kabahayan na nagsisilbing drug den  na mas kilala bilang shabu tiangge.

Agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga drug pusher.

Sinabi naman ni P/Chief Insp. Elizabeth, spokesman ng PNP-CIDG, kabilang sa mga napatay ay pitong drug pusher habang sugatan naman ang dalawang tauhan ng pulisya at isang miyembro ng PDEA.

Kinilala ang mga napatay na sina Musa Sailini, Faizal Albani, Langga Maugen, Bob Jimlani, Sulani Ainal, Dark Abdul “Ani” Nawang, at si Rolan Labante na mga nasa drug watchlist.

Dalawa namang pulis ang nasugatan, isa rito ay bahagya lamang ang tinamong pinsala sa katawan dahil nakasuot ng bullet proof vest  habang ang isa pang pulis ay  nagtamo ng galos matapos mahulog sa tubig sa nangyaring habulan at putukan.

Umaabot naman sa 36 drug suspek kabilang ang isang Koreano at ilang kabataan ang nasakote. Ilan sa mga ito ay nakilalang sina Jimmy Jimlani Lapasaran alyas Boogie, Feliz Maujin na mga notoryus na drug peddlers.

Bago ang raid, nakatanggap ng report ang mga awtoridad hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa nasabing compound kung saan nakumpirmang maraming sangkot sa drug pushing.

Nasamsam sa mga suspek ang 13 iba’t ibang armas, fragmentation grenade, 31-plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalias.

BARANGAY ILANG

BOB JIMLANI

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DARK ABDUL

DAVAO CITY

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with