2 pulis, gun-for-hire member utas sa Batangas shootout
MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang dalawang parak ang nasawi matapos paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng gun for hire gang na ikinasawi rin ng isa sa mga suspek sa ambush na nauwi sa shootout sa Batangas City, Batangas nitong Biyernes ng hapon.
Sa ulat ng Batangas City Police, nakilala ang mga nasawi na sina SPO4 Fidel Macatangay, 45 anyos, nakatalaga sa Intelligence Section ng Batangas Police at PO2 Melvin Talabis, nasibak sa puwesto matapos na mag-AWOL (Absence Without Official Leave) na naglalakad ng mga papeles para sa kanyang reinstatement sa serbisyo.
Ang nasawing suspek ay nakilala namang si Avelino de Paz, 46-anyos, tubong Javier, Leyte at naninirahan sa Caloocan City na natukoy ng pulisya sa pamaÂmagitan ng ID sa wallet nito.
Ang dalawang pulis at ang suspek na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan ay pawang dead-on-the-spot sa inÂsidente.
Ayon kay PO1 Bong Vales, desk officer ng Batangas City Police, bandang alas-5:50 ng hapon habang lulan sina MacaÂtangay at Talabis ng kulay dalandan na Crosswind Sportivo nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng highway ng Brgy. Sta Rita ng lungsod.
Sa kabila ng sugatan ay nagawang gumanti ng putok ng dalawang parak na ikinasawi ng suspek na si de Paz na natagpuan ang bangkay may 30 metro ang layo sa niratrat na sasakyan ng nasabing mga parak.
Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoÂridad sa crime scene ang 44 basyo ng bala ng M16 rifle, 11 basyo ng cal. 45 pistol at isa pang live ammunition ng cal. 45 pistol. IniimbestiÂgahan pa ang kaso.
- Latest