^

Probinsiya

Bangka lumubog, 1 mangingisda missing

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang mangingisda ang nawawala  samantalang da­lawa sa kanyang mga kasamahan ang nailigtas matapos aksidenteng tumaob ang kanilang bangka nang balyahin ng mala­laking alon sa karagatan ng Brgy. Dimalwadi, Dina­pigue, Isabela kamakalawa.

Sa ulat na nakarating  kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr., nakilala ang pinaghahanap na si Benjamin Agustin, re­sidente ng Brgy. Digumased sa nasabing bayan.

Nabatid na tatlong araw nang nakalutang ang dalawang nakaligtas na sina Jerry Pagay at kapatid nitong si Jojo hanggang masagip sila noong Biyernes ng grupo ng mga mangi­ngisdang pinangunahan ni Ronald Dugo na nagawi sa lugar.

Sa kasalukuyan ay nasa Dinapigue Hospital na ang mga nailigtas na biktima habang patuloy pa ring hinahanap ng awtoridad ang nawawala nilang kasamahan.

 

vuukle comment

BENJAMIN AGUSTIN

BIYERNES

BRGY

DIGUMASED

DINAPIGUE HOSPITAL

ISABELA POLICE DIRECTOR SR. SUPT

JERRY PAGAY

RONALD DUGO

SOTERO RAMOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with