3 utas sa pananambang sa Cotabato
MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang tatlong kalalakihan sa Cotabato City, kasunod ng panloloob sa sanglaan wala pang isang linggo ang nakararaan.
Nakilala ang mga biktimang sina Johaider Marunting, 36; Guinaid Ali Adta, 58; at Kadir Ali Adta, 48, na tinambangan sa boundary ng Tamontaka I at Tamontakaa II.
Idineklarang dead on arrival ang tatlong biktima nang isugod sa ospital.
Sinabi ni citypolice director Superintendent Rolen Balquin na paghihiganti ang motibo sa likod ng pag-atake.
Bukod sa pananambang, ninakawan din ng mga cellphone, wallet at relo ang mga biktima, dagdag ni Balquin.
Nito lamang ay inatake ng armadong kalalakihan ang isang sanglaan, kung saan tatlo ang sugatan, kabilang ang may-ari.
Sinabi pa ni Balquin na pinatay ng mga suspek ang isa nilang kasamahang sugatan upang hindi na makuhaan ng impormasyon.
- Latest