3 biktima ng salvage natagpuan sa Antipolo City
MANILA, Philippines – Tatlong biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakaibang lugar sa Anitpolo City ngayong Huwebes.
Natagpuan ng tauhan ng Public Order and Safety Department ang dalawang bangkay sa Zigzag Road sa harap ng El Dorado Subdivision sa Barangay San Jose.
Sa may Barangay Dela Paz naman nakita ang pangatlong bangkay.
Pawang nakagapos ang mga kamay ng mga biktima at nakabalot ng itim na garbage bag ang mga ulo.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente.
- Latest