^

Probinsiya

Dinagat Island landslide: 6 patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilamon naman nang buhay ang anim-katao habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na landslides sa Barangay Poblacion, bayan ng Cagdia­nao, Dinagat Islands noong Lunes.

Sa pahayag ni Jane Ma­yola, spokesperson ng  Dinagat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ang bangkay ng mga biktima ay narekober ng search and rescue team noong Lunes ng hapon.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang gumuho ang malambot na lupa mula sa kabundukan na tumabon sa bahay ng pamilya Geltura.

Kabilang sa mga namatay ay sina Atanacio Geltura, 62; Realyn Geltura, 42; Michelle Geltura,14; Felixberto Muñoz, 34; Alqueser Muñoz, 2;  at ang DPWH employee na si Primitivo Morales, 33, na nagkataong nagsasagawa ng de-clogging sa baradong kanal sa nasabing lugar.

Sugatan naman sina Renz Anthony Geltura, 6; at Jose Cabilan, 33.

Nabatid na lima sa anim na landslides ay hindi gaano ang pinsala  kabilang ang dalawang insidente  sa bayan ng Basilisa kung saan bagaman wala namang namatay at nasugatan ay daang pamilya ang inilikas.

Nasa 2,245-katao ang kabuuang inilikas bunga ng masamang panahon sa Dinagat Islands.

ALQUESER MU

ATANACIO GELTURA

BARANGAY POBLACION

DINAGAT ISLANDS

DINAGAT PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

FELIXBERTO MU

JANE MA

JOSE CABILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with